^

Police Metro

22 oras na prusisyon

Ludy Bermudo - Pang-masa
22 oras na prusisyon
Nasa 2.5 milyong deboto ang sumama sa 6.9-kilometrong prusisyon na nagsimula pasado alas-5:00 ng umaga mula Quirino Grandstand patungo sa Quiapo Church.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umabot sa 22 oras ang prusisyon ng Itim na Nazareno bago ito naipasok sa Quiapo Church pasado alas-3:00 ng madaling araw kahapon na nagsimula noong umaga ng Martes sa Quirino Grandstand.

Nasa 2.5 milyong deboto ang sumama sa 6.9-kilometrong prusisyon na nagsimula pasado alas-5:00 ng umaga mula Quirino Grandstand patungo sa  Quiapo Church.

Ang mga deboto na nakaantabay sa Plaza Miranda ay itinaas ang kanilang mga kamay at umawit ng himno nang makita na parating na ang Poon sa simbahan.

Sa tantiya naman ng Philippine Red Cross ay mahigit sa 1,000 deboto ang nakaranas ng pagkahilo, at nasugatan dahil sa nais na makahawak sa lubid ng andas ng Poon.

Ilan sa mga deboto ay dinala sa medical station matapos makaramdam nang hirap huminga at isa dito ay taga-Caloocan na binuhat ng mga kapatid.

Mahigit sa 4,000 pulis at sundalo ang idineploy sa nasabing Traslacion na natapos na mapayapa.

BLACK NAZARENE

TRASLASCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with