PSPG hindi alam na anak ng drug queen ang ineskortang Taiwanese trader
MANILA, Philippines — Dinepensahan ni PNP- Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) Director P/Chief Supt. Joel Crisostomo Garcia sa kuwestiyonableng pagkakaloob ng security escort sa negosyanteng si Dianne Yu Uy, 40,anak ng tinaguriang drug queen na si Yuk Lai alyas Yuk Lai at Anna Sy Balmeo,72 na isang inmate ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Si Lai ay nakulong sa kasong drug trafficking noong 2000 pero sa kabila nito ay nakakalabas ang mga ito sa kulungan dahilan umano sa pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng nasabing piitan.
Nabatid na sa hiwalay na grey hound operations nitong Lunes ay nakumpiskahan ng P15.4-M halaga ng droga sina Yuk Lai at Balmeo sa loob ng piitan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 135 gramo ng shabu na nakasilid sa panty liners na aabot sa P945,000.00; 2 kilo ng shabu na nasa P4.5 M ; isang milyon ng mga kapsula at iba pang mga drug paraphernalias.
Samantalang sumunod namang nasakote si Diane Yu, isang rice retailer sa 3rd Floor ng Jy J Condominium sa General Solano Street sa San Miguel, Maynila na nakunan ng P10-M ng shabu.
Ayon kay Garcia,ang pagtatalaga kay PO3 Walter Vidal bilang security escort ni Diane ay matapos namang maaprubahan ang kahilingan nito noong 2011 hanggang 2015 dahil sa ito ay naging biktima ng kidnapping for ransom ngunit tumanggi magbigay ito ng karagdagan detalye.
Ang kahilingan ni Diane Uy ay pinagbigyan matapos na magsagawa ng assessment ang Directorate for Intelligence hinggil sa banta sa seguridad o buhay ng negosyante na noon ay wala pang kriminal na rekord.
Iginiit ni Garcia na walang pagkakamali o lapse sa pagsasagawa ng assessment dahil hindi naman kumpleto background check ang ginawa bagkus ang kumpirmasyon lang sa banta sa buhay ni Diane.
Inilagay na sa floating status si Vidal habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung mayroòn kinalaman ito sa illegal na operasyon ng kanyang VIP na si Uy.
- Latest