2 MILF utas sa BIFF

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) habang dalawa pa ang nasugatan nang makasagupa ang mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Salibo, Maguindanao kamakalawa.

Ang mga nasawing MILF member ay kinilalang  sina Mustapa Musa, 24; at Muhamad Kadil, 40. Habang ang mga nasugatan ay kinilalang sina Surani Abelusa, 50  at Taha Sabpa, 30.

Batay sa ulat, nangyari ang bakbakan dakong ala-1:00 ng hapon nang makasagupa ng MILF ang BIFF sa Brgy. Andavit at Brgy. Tee, Datu Salibo ng lalawigang ito.

Ang MILF ay  nakikipagtulungan sa tropa ng militar sa kampanya kontra terorismo ng BIFF sa pamumuno ni Commander Abu Torayfe.

Ang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig ay tumagal ng ilang minuto na ikinasawi at ikinasugat ng MILF members.

Show comments