Tserman utas sa drug bust

MANILA, Philippines —  Isang barangay chairman na umano’y sangkot sa illegal drug trade ang napatay matapos itong kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Bulao, San Jorge, Samar.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Louie “Nening “ Bolledo, Brgy. Chairman sa Brgy. Bulao ng bayang ito.

 Sa report ni Chief Supt. Gilberto Cruz, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 8, bandang alas-9:35 ng umaga nang isagawa ang buy bust operation sa nasabing lugar at sa halip na sumuko ang suspek ay agad umanong pinutukan ang mga pulis na nagresulta sa shootout na ikinasawi nito.

Ayon kay Cruz na si Bolledo ay isa sa mga ikinokonsiderang High Value Target (HVT) na mga sangkot sa droga sa  nasabing bayan at maging sa mga karatig lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang cartridge ng M16 rifle, cartridge ng cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng naturang mga armas at ilang plastic sachet ng shabu. 

Show comments