^

Police Metro

Martial Law extension lulusot sa Kamara

Gemma Garcia at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siniguro ng ilang lider ng Kamara na lulusot sa Kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao.

Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker Fred Castro at sinuportahan nila ang Proclamation 216 na nagpatupad ng Martial Law sa Mindanao kaya walang dahilan para hindi nila katigan ang extension nito.

Iginiit pa ni Castro na mayroong mga basehan para palawigin pa ang Batas Militar sa nasabing rehiyon at una na dito ang hindi pa lubos na nadudurog ang mga terorista na umatake sa Marawi na dahilan ng Martial Law declaration.

Ikalawa, kailangan pa umanong mahinto ang lawlessness at ikatlo, ay dapat na maibalik nang tuluyan ang peace and order sa lugar na sakop nito.

Anya, hindi dapat limitahan lamang sa Lanao ang extension ng Martial Law dahil para maging epektibo ito ay kailangang masakop pa rin ang buong Mindanao.

Sa ganitong paraan umano ay mapuputol ang suporta at suplay sa umiiral na rebelyon.

Samantala, inirekomenda rin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Rod­rigo Duterte ang pagpapalawig ng Martial Law upang maaresto ang mga narco-politicians na supporters ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (Maute-ISIS)  na nasa likod ng siege sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, ang kanilang rekomendasyon ay nakasentro sa buong rehiyon ng Mindanao, pero hindi na idinetalye kung ilang araw ang kanilang rekomendasyon para sa pagpapalawig ng Martial Law.

Ang 60 araw na Martial Law ay idineklara ni Pangulong Duterte na nag- umpisa noong Mayo 23 matapos ang pag-atake ng Maute-ISIS terrorists sa lungsod ng Marawi ay magtatapos ngayong Hul­yo 22.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with