^

Police Metro

Station commander, 12 tauhan sibak sa ‘secret cell’ sa Tondo

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos madiskubre ang sinasabing ‘secret cell’ ng  Manila Police Ditrict-Station 1, tuluyan nang sinibak kahapon ang hepe rito na si Supt. Robert Domingo at 12 nitong tauhan.

Nag-isyu ng kautusan si MPD director C/Supt. Joel Napoleon Coronel para sa pagtatanggal kay Supt.  Domingo, ng MPD-Station 1 at mga tauhan mula sa Station Drug Enforcement Unit (DEU) na pinamumunuan ni Senior Ins­pector Edwin Fuggan.

Itinalaga namang OIC kapalit ni Domingo si Supt. Alberto Barot.

Matatandaan na kamaka­lawa ng gabi nang magsagawa ng sopresang pagbisita at inspeksiyon sa nasabing police station ang mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR) matapos makatanggap ng impormas­yon hinggil sa diumano’y mga preso na hindi pa nasasampahan ng reklamo at ginagawang gatasan.

Nang magtungo sa presinto ay nadiskubre naman na may tagong kulungan sa likod ng isang book shelf na ayon sa CHR, ay hindi makatao na doon sila ipiit.

Wala ring rekord ng pag-aresto at hindi pa nai-inquest  sa piskalya ang mga nakapiit sa tagong kulungan. Ayon sa ilang preso ilan sa kanila ay may mahigit isang linggo nang  nakapiit at ipina­tutubos sa mga kaanak kapalit ng kalayaan.

Itinanggi naman ni Domingo at sinabing inaresto ang mga suspek sa ‘One Time Big Time operation’ na isinagawa nila nitong Huwebes lamang, bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad ng idinaraos na 30th ASEAN summit sa bansa.

Pansamantala umanong ikinulong ang mga ito sa naturang kulungan dahil hindi pa nasasampahan ng kaso, bukod pa sa sobrang siksikan na rin ng bilangguan nila, na may 40-person capacity lamang, pero mayroon ng mahigit na 80 bilanggong nagsisiksikan doon.

Hindi pa rin aniya nagagawa ang report sa pag-aresto dahil iisa lamang ang kanilang computer.

Itinanggi rin naman ni Domingo na sinasaktan nila ang mga bilanggo at hinihi­ngian ng pera para sa kanilang kalayaan.

“It’s their words against our words. Alegasyon na lamang po nila ‘yan,” ani Domingo.

Pinabulaanan din ni Domingo na sikreto ang natu­rang bilangguan dahil alam aniya ng mga kaanak ng mga bilanggo na doon sila nakakulong sa temporary holding area ng mga hindi pa nakakasuhan.

 

JOEL NAPOLEON CORONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with