Kelot pinatay sa pagpasok sa Quiapo Islamic Center

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at pinagsasaksak ang isang lalaki nang ito ay magtangkang pumasok sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ay kinilala sa alyas na “JR”, may taas na 5’7”, nakasuot ng berdeng long sleeve shirt at maong na short na nagtamo ng mga saksak at tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi ay pumasok ang biktima sa Rowatun Alley Islamic Center, Carlos Palanca Street, San Miguel, Maynila at pagkalipas ng ilang minuto ay pinagbabaril na ito.

Isang PO1 Dexter Ganaban ang nagkataong nasa lugar  kaya’t tinungo ang pinanggalingan ng pu­tok at nakita niyang may tama ng bala ang biktima at saksak na naging dahilan upang hu­mingi ng tulong at dalhin sa nabanggit na pagamutan.

Show comments