MANILA, Philippines - Apat na pinaghihinalaang miyembro ng kilabot na mga holdaper ang nasakote ng mga elemento ng pulisya habang naghahanap ng panibagong mabibiktima sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Senior Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police ang mga nahuling suspek na sina Art Villanueva, 29, Daryl Yalong, 29, Francisco Sauran, 29 at Ted Villanueva, 40, pawang ng Brgy. 178, ng naturang lungsod.
Base sa report ng pulisya, bandang ala-1 ng madaling araw habang nagpapatrulya ang mga operatiba ng Caloocan City Police sa Camarin Road, Phase 6, Brgy. 178 ng naturang lungsod ng maaktuhan ang mga suspek na kahinahinalang gumagala sa lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang granada, dalawang cal. 45, sampung bala at isang cellphone.