2 Pinoy TNT sa US, dinakip

MANILA, Philippines -  Dinakip ng mga ahente ng US Immigration and Customs Enforcement noong nakaraang linggo ang dalawang Pinoy na kabilang umano sa 84 dayuhan na ilegal na nananatili sa Estados Unidos.

Base sa ulat, hindi pa tinukoy ang mga pangalan ng dalawang Pinoy na hinuli kasunod ng tatlong araw na magkakasunod na operasyon ng US Immigration authorities sa US Pacific Northwest bilang pagtalima sa kampanya ni US President Donald Trump laban sa mga undocumented foreign nationals at sa may mga kriminal na rekord.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Washington para mabigyang ayuda ang mga dinakip na Pinoy.

Ayon sa ICE, karamihan umano sa mga inaresto na dayuhan ay may mga kasong kinasasangkutan kabilang na ang mga lumabag sa sex crimes, drug cases at domestic violence.

Unang nai-deport ang isang undocumented Pinoy na si Rey Galleon noong Marso 17 matapos siyang hulihin ng ICE personnel sa kanilang bahay  sa California.

Show comments