MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng reklamong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Manila City prosecutors office ang pitong pulis Maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendors.
Ayon kay Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang isinampan laban kina SPO2s Marvin Velasquez; Rommel Alfaro, PO3s Leo de Jose;John John David, PO2 Romeo Rosino, PO1s Ronnie Boy Alonzo at James Paul Cruz.
Bukod sa kasong kriminal nahaharap din ang mga nasabing pulis na pawang nakatalaga sa Station 5 ng MPD sa kasong administratibo.
Nag-ugat ang kaso kaugnay ng reklamo ng mga vendors sa Ermita, Maynila na kinokotongan sila ng mga nasabing pulis na kapag napatunayang nagkasala ay maaaring masibak sa serbisyo at walang matatanggap na benipisyo.