2 utas sa salpok ng trak

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan at namatay noon din ang isang barangay kagawad at isang sekyu matapos na masalpok at masagasaan ng isang truck habang sakay ng motorsiklo na naganap noong Biyernes ng umaga sa highway ng Brgy. Poblacion, Makilala, North Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Paquito Egualan Sarmiento, 58, security guard, at Crispin Mier Famulagan, 61, Kagawad ng Brgy. Sto Niño, Makilala.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang dalawang biktima sa motorsiklo at binabaybay ang nasabing highway patungong Kidapawan City.

Pagdating sa harap ng isang eskwelahan ay nabundol sila ng truck (RJC-964) na minamaneho ni Berlyn Jose Quibol, 38 na nawalan ng preno at sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang mga biktima.

Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang dalawa sa kalsada na siya namang pagdating ng isa pang truck at nasagasaan ang dalawa na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Show comments