2 katao pinabulagta

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang dalawang lalaki sa Brgy. Payatas, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PO3 Zaldy Notarte ng Tactical Operation Center (TOC) ng QCPD Police Station 6, isinalarawan ang hindi pa kilalang mga biktimang lalaki na nasa 25 - 30 taong gulang, nasa 5’1” at 5’3” ang kanilang taas, kayumanggi; nakasuot ng t-shirt at parehong nakamaong - pants.

Lumitaw sa imbestigasyon, dakong alas - 4 ng mada­ling  araw nang makarinig ng mga putok ng baril ang ilang residente sa bahaging likuran ng  Penaflor Junkshop sa may Payatas Road, Group 9, Area B, Brgy. Payatas ng lungsod.

Agad namang nakaresponde ang mga elemento ng QCPD PS6, Batasan Police at dito’y  tumambad  sa mga ito ang duguang bangkay ng nakahundasay na dalawang  lalaki na may mga tama ng bala sa ibat bang bahagi ng katawan.

Nakuha  ng mga elemento  ng  Scene on the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang walong basyo ng bala ng .45 pistol. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

Show comments