Andanar kinondena ng media
MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ng mga mamamahayag na nagko-cover ng Senado ang akusasyon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na binayaran umano ng $1,000 ang ilan sa mga dumalo sa press conference ni SPO3 Arthur Lascañas kung saan kinumpirma niya na totoo ang Davao death squad (DDS) at mismong si dating Davao mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod nito.
Nagpalabas ng isang pahayag ang mga miyembro ng media sa Senado kung saan tinawag nilang walang batayan at iresponsable ang pahayag ni Andanar.
“We, broadcast, online, and print journalists covering the Senate strongly protest the unsubstantiated and irresponsible claims made by Press Secretary Martin Andanar that reporters were given as much as $1,000 each to cover the press conference of alleged former Davao Death Squad leader Arthur Lascañas this morning,” anang statement.
Hinamon pa ng mga miyembro ng media si Andanar na patunayan na totoo ang kanyang paratang at kung hindi niya ito magagawa ay maglabas siya ng isang public apology dahil sa pagpapakalat ng isang pekeng balita.
“To our knowledge, no such incident occurred. Such practice is not tolerated among Senate reporters. We would like to ask the Secretary to prove his allegations as such statements placed our credibility and our respective media entities under a cloud of doubt. Otherwise, we demand a public apology from Secretary Andanar for spreading “fake news”, nakasaad pa sa statement.
Ipinaalala rin ng mga mamamahayag na dating miyembro ng industriya si Andanar.
Samantala, mariing itinanggi ni Senator Antonio Trillanes na nagbigay siya ng $1,000.
“First of all, I categorically deny na nagbigay ako o kung sino man ng $1k sa mga reporters na nag-cover ng presscon kanina,” ani Trillanes.
Tinawag rin ni Trillanes na iresponsable ang naging pahayag ni Andanar na hindi dapat ginagawa ng isang miyembro ng Gabinete.
“Hindi namin gawain yan at mataas ang respeto namin sa Senate Media para gawin yan. That’s the height of irresponsibility for a cabinet official to say that publicly,” ani Trillanes.
Naniniwala rin ang senador na inililigaw lamang ni Andanar ang totoong isyu tungkol sa isinagawang pagbubunyag ni Lascañas.
- Latest