^

Police Metro

Dumlao umalma sa warrant of arrest

- Joy Cantos - Pang-masa
Dumlao umalma sa warrant of arrest
Nasa larawan si P/Supt. Raphael Dumlao katabi ng kanyang asawa habang aktong inaaresto ng mga awtoridad.
Boy Santos

MANILA, Philippines – Dahilan sa alyas lamang ang nakalagay, ­inalmahan kahapon ni Sr. Supt. Raphael Dumlao, isa sa mga iniimbestigahan sa tokhang for ransom ang isinilbing warrant of arrest ng mga awtoridad kaugnay ng kidnap slay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-Joo.

Ayon kay Dumlao, walang bisa ang nasabing ‘warrant of arrest’ dahilan  isang alyas “Dumlao” lamang ang nakasaad dito.

Si Dumlao ay itinuro nina SPO4 Roy Villegas at PO2 Christopher Baldovino na siyang team leader ni SPO3 Ricky Sta Isabel sa pagdukot  kay Ick-joo sa tahanan nito sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 2016 kung saan ang biktima ay pinaslang umano sa loob mismo ng Camp Crame.

Ang opisyal at ang iba pang isinasangkot sa krimen ay kasalukuyang  nasa ‘restricted custody’ sa Camp Crame  na  nasa ilalim ng pagbabantay at  pangangasiwa ng Headquarters and Support Group (HSS).

Sinasabing pasado alas -12 ng madaling araw nitong Sabado habang isinisilbi ang nasabing warrant of arrest ay pumalag si Dumlao at humingi ng tulong sa isang tv network na magco-cover sana sa pagi-isyu ng warrant na tumanggi namang isakay sa kanilang behikulo  ang kontrobersyal na opisyal.

Dahil dito ay pumara ng taxi si Dumlao at tumuloy sa kanilang taha­nan sa Antipolo City kung saan muling isinilbi ang ‘warrant of arrest’ pero tumanggi  ang opisyal na kilalanin ito . Isang opis­yal na nakilala namang si Sr. Supt. Benjamin Nacorda ang nag-escort umano kay Dumlao.

Nang hingan naman ng paliwanag si Atty. Dennis Wagas, legal officer ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), sinabi nito na naka-pending pa ang isinampa nilang ‘supplementary complaint ‘sa Department of Justice (DOJ) para  ilagay sa warrant of arrest ang buong pangalan ng akusado pero iginiit na ipagpapatuloy  nila ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa akusado. Samantala, makalipas ang ilang oras ay mu­ling naibalik sa restrictive custody sa Camp Crame si Dumlao mula sa tahanan nito sa Antipolo City.

RAPHAEL DUMLAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with