MANILA, Philippines - Ipinatapon na ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar sa Mindanao ang tatlo nilang naaresto sa entrapment operation matapos kotongan ang isang suspek na kanilang inaresto sa bisa ng warrant of arrest kamakailan.
Ang mga pulis ay kinilalang sina PO3 Aprilito Santos 41; PO3 Ramil Dazo, 42; at PO3 Joseph Merin, 47; pawang mga nakatalaga sa Warrant Section and Subpoena Section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na ipinatapon sa Police Regional Office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) habang iniimbestigahan ang kanilang kaso sa Quezon City.
Ang kaso ay nag-ugat nang arestuhin nila ang isang Illuminada Leetiong noong Enero 19, 2017 at hiningan ng P120,000 kapalit ang hindi paghuli sa kanyang anak na may kasong qualified theft.
Dumulog si Leetiong sa pulisya na nagsagawa ng entrapment operation at naaresto ang tatlong pulis.