^

Police Metro

7 parak na nangotong sa 3 Koreano, sinibak

Joy Cantos - Pang-masa
7 parak na nangotong sa 3 Koreano, sinibak
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa, na ang insidente ay naganap sa Angeles City noong Disyembre ng nakalipas na taon at itong buwang lang nabulgar.
File photo

MANILA, Philippines -  Pitong pulis ng Angeles City, Pampanga ang sinibak na sa puwesto at isinalang  sa summary dismissal proceedings  matapos na mabulgar na sangkot sa robbery/extortion laban sa tatlo negos­yanteng Koreano.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa, na ang insidente ay naganap sa Angeles City noong Disyembre ng nakalipas na taon at itong buwang lang nabulgar.

Ang mga pulis ay kinilalang sina PO3 Arnold Nagayo; PO3 Roentjen Domingo; PO2 Richard King Agapito; PO2 Ruben Rodriguez; PO3 Gomerson Evangelista; PO1 Jayson Ibe; at PO1 Mark Joseph Pineda na kasalukuyan nang nasa restrictive custody.

Sa paunang imbestigasyon ang tatlong Koreano ay nagtungo sa Angeles City, Pampanga upang maglaro ng golf nang dakpin umano ng pitong pulis at akusa­hang sangkot sa online gambling.

“Merong 7 pulis nga­yon doon na suspect sa robbery. Merong tatlong Koreano na pumunta lang dito para maglaro ng golf tapos pinasok na yung bahay, inakusahan na illegal online gaming, nung wala silang nakuhang ebidensya doon pinagnanakaw ang gamit ng mga Koreano then ngayon, dinala sa istas­yon, hinuli yung tatlo,” wika ni  Dela Rosa.

Nagawang makoto­ngan ng P200,000 ng pitong parak ang mga biktima.

Nagdesisyon ang mga biktima na huwag ng kasuhan ang mga suspek, pero gumawa ang mga ito ng affidavit na maaa­ring gamitin ebidensya sa kasong administratibo laban sa mga akusado. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with