Bato bigyan ng 2nd chance-Lacson
MANILA, Philippines - Bigyan ng pangalawang pagkakataon si PNP chief Ronald dela Rosa sa gitna ng panawagan na magbitiw na ito dahil sa isyu ng dinukot at pinatay na Koreano sa loob mismo ng Camp Crame.
Ito ang naging panawagan at nais ni Sen. Panfilo Lacson kaysa pagbitiwin ito sa puwesto dahil hanggang ngayon ay buo pa rin ang tiwala dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Wika pa ni Lacson, ang mahalaga ay nagpapatupad siya ng reporma sa PNP upang magbago ang mga pulis.
Magugunita na ang dinukot na South Korean na si Jee Ick Joo noong Oktubre 18, 2016 sa Angeles City at sinasabing dinala at pinatay mismo sa loob ng Camp Crame ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Maging ang ibang senador tulad nina Sen. Kiko Pangilinga at Ralph Recto ay hindi rin pabor sa panawagan na magbitiw ang PNP chief.
Sinabi naman ni Sen. Recto, may isang taon pa si dela Rosa bago ito magretiro sa PNP kaya dapat ibuhos niya ito sa paglilinis ng kanilang hanay.
- Latest