^

Police Metro

P90-M cocaine nalambat sa dagat

Joy Cantos at Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 18 bricks na nagkakahalaga ng P 90-M ang aksidenteng  nalambat ng dalawang mangingisda  sa karagatan ng Brgy. Sogod, Tiwi, Albay kamakalawa.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang marekober ng mga mangingisdang  sina Manuel Comota at Razel Bragais   ang  mga bricks ng cocaine   na nakabalot ng packaging tape na palutang-lutang sa loob ng lambat pangisda  sa bahagi ng nasabing karagatan.

Nabatid na ang cocaine ay nagkakahalaga ng tig P 5-M ang bawat isang brick kaya aabot ito sa P 90- M na hinihinalang ipinuslit ng big time international drug syndicate sa lugar.

Pinaniniwalaang itinapon sa karagatan ang kontrabando  na dito kukunin ng sindikato dahilan sa mahigpit na kampanya kontra droga  ng pulisya.

Pinasalamatan naman ng opisyal ang dalawang mangingisda at ang mga opisyal ng barangay dito dahilan sa itinurnover kaagad sa himpilan ng pulisya ang nasabing mga epektos.

Nakatakda namang isinailalim ang nasabing cocaine sa Crime Laboratory Office  ng PRO V ang nakumpiskang mga cocaine para maisailalim ito sa pagsusuri.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with