MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi sa magkakahiwalay na drug operations sa Sampaloc at Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling araw.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nelson Vinas, 51, ng Jhocson St., Sampaloc; Winaldo Durion, 38, ng Permanent Housing, Tondo; Bryan Yungot, 34, ng Juan Luna St., Tondo at isang hindi pa nakikilalang suspek.
Batay sa ulat, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang mapatay si Vinas, 51, nang manlaban ito nang salakayin ang kanyang bahay ng mga pulis, dakong alas-12:30 ng madaling araw naman nang mapatay ang mga suspek na sina Durion, at Yungot sa isang buy bust at dakong ala-1:40 ng madaling araw nang masawi sa engkuwentro ang hindi pa nakilalang suspek na inilarawan na nasa edad 30-35, may taas 5’0”-5’2”, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng gray na t-shirt at kulay itim at kumbinasyong gray na shorts.