Mandurukot, sinalvage
MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang lalaki na umano ay notoryus na mandurukot sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 38-43, may taas 5’2”, katamtaman ang pangangatawan, moreno, nakasuot ng asul na polo shirt at aqua blue na shorts na may mga tama ng saksak sa katawan.
Ayon sa pulisya na sila ay nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa pagkakatagpo sa biktima dakong alas 4:00 ng madaling araw sa harapan ng 999 Mall sa Soler Street, kanto ng Reina Regente St., Binondo, Maynila na nakalagay sa isang garbage bag.
Nang tingnan ang laman ay nakitang bangkay na may placard na maynakasulat na “Mandurukot ako dito sa Divisoria.”
Napupuluputan ang mukha ng packaging tape, may nakabusal na bimpo sa bibig at nakagapos ang mga kamay ng alambre patalikod at binigti din ng alambre ang leeg at mga saksak sa katawan.
- Latest