^

Police Metro

6 pinatay ng naka-bonnet sa Caloocan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na katao ang pinagbabaril at napatay ng mga lalaking naka-bonnet sa Caloocan City magmula kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong ala-1:00 kamakalawa ng madaling araw nang pagbabarilin at mapatay ng apat na nakamaskarang lalaki si Richard Recto, sa loob ng kanyang bahay sa Little Manggahan, Bagumbong Dulo, Brgy. 171.

Kamakalawa naman ng alas-9:48 ng gabi nang pasukin din sa loob ng bahay at pagbabarilin ng mga nakamaskarang lalaki si Florante Calubag, 48, pintor, ng  No. 9492 Brgy. 177, Maligaya Park Land, habang dakong alas-10:00 ng gabi nang isinunod na pinaslang si Jun Jimenez, alyas “Topak”, nang pagbabarilin din sa loob ng kanyang bahay sa No. 130 Narra St., Brgy. 182.

Sa madamong bahagi ng Mt. Apo Street, Nova Hills Subdivision, Brgy. 171 Bagumbong, natagpuan ang bangkay ni Roberto Encarnacion, nasa hustong gulang.

Balot ng masking tape ang mukha, may tama ng bala sa ulo at may nakapatong na placard sa katawan na nakasulat ang katagang: “Pusher ako belat.” at natagpuan ang isang plastic sachet ng shabu sa tabi ng bangkay nito.

Kahapon ng ala-1:10 ng madaling araw naman nang barilin at  dalawang hindi nakilalang lalaki habang nagsusugal si Joselito Ilagan Jimenez, 43, tricycle driver, sa may kanto ng MH Del Pilar at Malvar Street, Brgy. 178 Camarin.

Binaril at napatay din  sa may Marulas A, Brgy. 36 dakong alas-12:45 kamakalawa ng madaling araw ng mga hindi rin nakilalang salarin ang 40-anyos na si Jalma Quintana, ng No. 1133 M. Ocampo Street, Brgy. 191, Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with