^

Police Metro

5 tulak bulagta sa shootout

Ricky Tulipat at Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lima pang pinag­hihinalaang no­tor­yus na drug pushers ang nasawi makaraang kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City at Camarines Sur kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDG), tatlong drug pushers ang napatay sa kanilang operas­yon na nakilala sa mga alyas lamang na mga itong Ver, nasa 30-40 anyos; Gilbert Rex, 40-45  at isang alyas Jong, 20-25 taong gulang.

Bandang alas-2:20 ng madaling araw ng mag­sagawa ng operasyon  ang kanilang mga tauhan sa San Miguel Street., Brgy. Payatas, Quezon City na ikinasawi ng kumasang suspek na si Ver at nakuha naman mula rito ang isang cal. 45 pistol at limang plastic sachet ng shabu.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madale naman ang suspek na si Rex, sa may bangketa sa pagitan ng Kalantiaw St., at Evangelista St., Brgy. Bagong Buhay, Quezon City at nasamsam naman ang isang cal. 38 baril, anim na plastic sachet ng shabu at iba pa.

Samantala sa isa pang operasyon, sumunod namang napaslang ang suspek na si Jong nang manlaban rin sa pulisya sa C. P. Garcia Avenue  Brgy. UP Campus ng lungsod na nakunan rin ng cal. 38 pistol, ilang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Iniulat naman ng Police Regional Office (PRO) V ang pagkakapatay ng dalawa pang drug pushers habang tatlo pa ang naaresto sa Children’s Park, Brgy. La Purisima, Goa, Camarines Sur.

Bandang alas-4:40 ng madaling araw kamakalawa ng isagawa ang operasyon na ikinasawi ng mga tulak na sina Jayvee Navea at Andy Villegas na no. 2 sa drug watchlist  matapos na manlaban habang nasakote rin ang tatlo pa nilang mga kasamahan. Nakuha sa operasyon ang tatlong plastic sachet ng shabu, baril na ginamit ng mga ito at mga drug paraphernalia.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with