Lady guard naipit ng pader at truck
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lady guard matapos na maipit sa gitna ng pader at truck sa Quezon City, kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang si Basilisa Abines, 54, lady guard ng no.11, 14th St., Brgy. Damayang Lagi sa lungsod. Habang nasugatan si Benigno Medina, 50, binata, ng no. 51 Ermin Garcia, Cubao.
Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa kahabaan ng drive way ng bahay ng biktimang si Abines ay kasalukuyang sinisiyasat ni Medina ang nakatokang truck sa kanya habang nakahinto sa nasabing lugar.
Nang ibaba ni Medina ang head/cockpit ng truck ay biglang sinagasaan nito ang kalsong bato na nasa unahang gulong at umarangkada pasulong sa drive way at naipit ang biktima.
Nasugatan din si Medina na naipit naman sa pagitan ng kaliwang gilid ng unahang bahagi ng truck at pader.
Si Medina ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
- Latest