Binay kay Duterte: Hindi sagot ang extra-judicial killings
MANILA, Philippines - Hindi umano sagot ang isinusulong na extra-judicial killings na pangunahing plataporma ni presidential bet, Davao City Mayor.
Ito ang naging babala ni UNA standard bearer Vice President Jejomar C. Binay kay Duterte na nakakabahala dahil may mga bata ang naging biktima ng extra-judicial killings sa Davao City.
Anya, mali at walang lugar sa bansa ang hindi makatarungang pagpatay sa mga tao, lalo na kung batay lang ito sa tsismis.
Binatikos din ni Binay ang pangako ni Duterte na reresolbahin ang kriminalidad at illegal drugs sa loob ng anim na buwan.
Nauna nang inamin ni Duterte sa radio program nito ang kaugnayan umano niya sa Davao Death Squad, isang vigilante group na itinuturo sa mga pagpatay sa nasabing lungsod.
Pinayahan ni Binay si Duterte na ang pagsugpo sa kahirapan,kasama na ang epektibong law enforcement at mga reporma sa hukuman at law enforcement agencies, ang pinakamahusay na solusyon laban sa kriminalidad.
- Latest