^

Police Metro

Binay sagot sa kahirapan - UNA

Ellen Fernando at Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ng tagapagsalita ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Atty. Rico Quicho na ang kanilang standard bearer na si Vice President Jejomar Binay ang tanging sagot sa problema sa kahirapan.

Sinabi ni Quicho, ramdam ni Binay ang nararanasang paghihikahos ng may 26 milyong Pinoy dahil laki siya sa hirap  at naranasan din niya kung paano maging salat sa buhay at ito ang kanyang tinututukan upang tugunan ang kahirapan at tulungang makabangon ang maralitang mamamayan.

Naniniwala umano si Binay na hindi karapat-dapat na mamuno sa bansa ang isang kandidato na walang malasakit sa mga mahihirap.

Ani Quicho, kinokondena ng Bise Presidente bilang isang dating human rights lawyer ang isang gobyerno na namamaril ng maralitang magsasaka na humihingi lamang ng tulong sa pamahalaan.

Iginiit ni Quicho na patunay ang naging performance ni Binay nang siya ay alkalde sa Makati City na tinugunan ang kahirapan ng mga mamamayan sa lungsod na ngayo’y nagtatamasa ng libreng pag-aaral, libreng pagpapagamot at medisina at mga benepisyo sa mga senior citizens.

Siniguro ni Quicho na kapag si Binay ang nahalal na pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy nito ang mga programa niyang nakapag-angat sa buhay ng mga taga-Makati.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with