Bebot, kelot nagpakamatay
MANILA, Philippines – Nagbaril sa ulo ang 22-anyos na si Nericris Lumando Inzo, trader, ng Delpan St., Tondo, Maynila dahil hindi na umano nito makayanan ang pagpapahirap sa kanya ng ‘mangkukulam’ kahapon ng alas-8:15 ng umaga.
Isang suicide note na nakasulat sa dialektong Bisaya na batay sa pag-translate ay nagsasabing “Patawarin niyo ako, hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman, huwag niyo akong iyakan”. Nakuha sa tabi ng biktima ang isang paltik na kalibre .38 baril na ginamit sa krimen.
Nagbigti naman kamakalawa ang biktimang si Eddie Boy Apalis, 21, residente ng Brgy. Laguit Padilla, Bugallon, Pangasinan dahil sa pagkadesperado nang mawalan umano ng pantustos sa bisyo ng shabu.
Nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng silid nito sa naturang barangay bandang alas-2:30 ng hapon.
- Latest