Poe, Digong tabla sa Pulse Asia
MANILA, Philippines – Tabla na sina presidential candidates Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Nakakuha ng 26 percent si Sen. Poe habang 25 percent naman ang nakuha ni Mayor Duterte na isinagawa nitong March 8-13 at itinuturing na statistically tied sina Poe at Duterte.
Halos kasunod naman nila si Vice President Jejomar Binay na may 22% at 20% naman si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.
Samantala, hindi natitinag ang kampo Binay sa huling resulta ng survey dahil nananatili umanong matatag ang suporta at pagtitiwala ng kanilang supporters.
Ayon kay Mon Ilagan, tagapagsalita ng UNA, patuloy na mahigpit ang labanan sa presidential race at kung titingnan umano ang margin of error ay statistically tie ang mga presidentiables.
- Latest