^

Police Metro

ABAKADA pinaaaksyunan ang lumalalang rice smuggling

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinamon ng ABAKADA Partylist ang Aquino administration na patunayan ang ‘tuwid na daan’ sa pamamagitan ng  agarang aksyon laban sa lumalalang smuggling ng bigas sa bansa.

 Ayon sa ABAKADA Partylist sa naganap na Senate Committee on Agriculture and Food na mula noong 2010 hanggang noong 2014, umabot na sa 2,772,000 metric tons ng smuggled na bigas ang nakapasok na sa bansa na mas marami ng mahigit isang milyong tonelada  kesa 1,660,000 metric tons na naulat nakapasok sa bansa noong Arroyo Administration.

“Kaya pala ang ating mga magsasaka ay lalong naghihirap dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang ani dahil mas mura ang smuggled na bigas at ang masakit, at nakakainsulto pa,wala pang kasong naisasampa hanggang ngayon ang anumang ahensiya ng gobyerno laban sa isang negosyanteng si David Bangayan na kilala rin bilang si David Tan na ilang beses nang nasasangkot sa smuggling ng bigas.”, wika ng partylist group. 

Anya, bago nagsimula ang Aquino administration, nag-e-export na ng bigas ang Pilipinas, subalit ngayon ay Pilipinas na ang hari ng mga impor­ter.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with