Parte ng P23-M blood money ibigay sa pamilya ni Zapanta

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Senator Cynthia Villar na dapat magkaroon ng parte ng salapi ang pamilya ng binitay na overseas Filipino worker na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia sa P23 milyon blood money.

Maghahain ng isang resolusyon si Villar upang imbestigahan ng Senado ang status ng napaulat na P23 milyon blood money na nilikom upang maisalba sana ang buhay ni  Zapanta. Isa si Villar sa nag-donate upang makalikom ng blood money.

Mahalaga aniyang magkaroon ng isang polisiya  kung papaano gagamitin ang mga nakolektang blood money na hindi naman nagamit dahil nabitay din si Zapanta noong Disyembre 29, 2015 dahil sa kasong robbery at murder.

Dapat magkaroon ng kabahagi ang dalawang anak ni Zapanta na sina Maria Izil at Jomar para sa kanilang pag-aaral.

Show comments