Machine operator nalingkis ng kable

MANILA, Philippines – Nagmistulang sawa ang isang kable na lumingkis sa ulo at katawan ng isang machine operator matapos magkaproblema ang kable ng makina na pinapaandar nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City.

Ang biktima na natagpuang patay dakong alas-6:30 ng gabi dahil sa pagkakalingkis ng kable sa buong katawan at ulo nito ay kinilalang si Nelson Benjamin Jr., 28, ng Atlas Road, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Sa salaysay ng kasama ng biktima na si Julius Lomocso ang biktima ay nakita niyang patay sa wire drawing section ng Unifar Steel Manufacturing Corporation, na matatagpuan sa #176 ITC Compound ng  nasabing lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung paano napuluputan  ang biktima ng cable wire ng makinang pinapaandar nito.

Show comments