Habambuhay sa 2 tulak-droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Mabubulok sa kulungan  ang magpinsang drug peddler matapos itong masentensiyahan ng mababang hukuman na mabilanggo ng habambuhay dahil pagtutulak ng 50 kilong marijuana sa Baguio City kamakalawa. ?

Sa Promulgasyon isinulat ni Baguio Regional Trial Court Judge Antonio Reyes noong Enero 18; pinagmulta pa ng P1 milyon kada isa  ang magpinsan na sina Melchor Martin Lagadeo at Kenneth Sagasa Lagadeo.?

Sa pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Director Juvenal Azurin, nasakote ang magpinsan sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Lourdes Grotto sa Baguio City  noong Hulyo 9, 2013.

Show comments