Karnaper patay sa shootout

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang karnaper nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

 Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya laban sa isang suspek na nakatakas at  inaalam na rin ang pagkakakilanlan nito.

Batay sa ulat, bago naganap ang engkwentro, alas-12:30 ng madaling araw sa Las Villas Condominium, Quirino Avenue, Barangay Pulang Lupa 1 ng naturang lungsod ay minamaneho ng isang Jobert Cruz, 31 ang kanyang  Euro Sport 150 motorcycle. 

Dumating ang dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo at dito ay bumaba ang angkas at tinutukan ng baril si Cruz at tinangay ang motorsiklo nito.

Kaagad  ini-report ni Cruz sa mga pulis ang insidente at namataan ang mga suspek sa may C-5 Road Extension at nagkaroon ng habulan at barilan na ikinasawi ng isang suspek.

Show comments