Kelot, bebot binaril muna bago sinilaban sa kotse
MANILA, Philippines - Halos natusta sa loob ng sinunog na kotse ang isang hindi pa nakilalang babae at lalaki noong Linggo ng gabi sa kahabaan ng road dike ng Brgy. Dimasalang, Talavera, Nueva Ecija.
Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa dalawang bangkay na nasunog kasama ng nagliliyab na behikulo.
Ayon sa mga residente sa nasabing lugar nakita umano nila ang dalawang behikulo na dumaraan sa lugar at ilang saglit pa ay nakarinig sila ng pagsabog kung saan isa sa mga behikulo ang bigla na lamang nagliyab.
Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa insidente na tumagal ng isang oras bago naapula ang sunog sa naglilyab na behikulo at natagpuan sa loob ang halos natustang bangkay ng isang babae at isang lalaki.
Sa imbestigasyon na may butas sa bungo at dibdib ng mga biktima na palatandaang binaril muna ang mga ito bago sinunog sa loob ng behikulo.
- Latest