^

Police Metro

Sa bagong SWS survey... Binay umarangkada uli

Rudy Andal, Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling umarangkada si Vice President Jejomar Binay na pipiliin na maging pangulo ng bansa batay sa pinakabagong BusinessWorld-Social Weather Stations pre-election survey na isinagawa ngayong buwan.

Ang resulta ng survey na isinagawa mula Jan. 8-10 sa 1,200 rehistradong botante o yung may biometrics na  ay nagpapakita  na si Binay ay nakakuha ng 31 percent sa kabuuan ng respondents.

Ang nasabing bilang ay 5 porsiyento ang itinaas kumpara sa kanyang nakuha sa nakalipas na SWS survey na isinagawa noong Disyembre.

Sumunod kay Binay na kapwa statistically tied ay sina  Sen. Grace Poe-24 percent (na bumaba ng 2 percentage points), Mar Roxas-21 percent at  Davao City Mayor Rodrigo Duterte-20 percent.

Habang si Sen. Miriam Defensor Santiago, ay  nakakuha ng 3 percent na bumaba kesa nakuha niya noong Disyembre.

Ang  nationwide survey ay  margin of error ng  ±3 points para sa national percentages at ±6% para sa  Metro Manila, at Balance sa Luzon, Visayas at Mindanao at harapan ang pagtatanong sa 1,200 rehistradong botane.

Nangako naman si Binay na lalo pa niyang pagbubutihin ang trabaho upang maiangat ang kabuhayan ng taumbayan, labanan ang kahirapan at pagbibigay ng trabaho.

Ito ang inihayag ni Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs na ang kailangang lider  ng bansa at yung may karanasan at kakayahan na itaas ang kabuhayan ng mahihirap na siyang mayorya sa bansa.

Ang survey na ginawa ng Pulse Asia nitong Dis­yembre ay nagpapakita na si Binay rin ang nanguna na sinasabing  “man to beat” sa 2016 elections. Siya ay nakakuha ng 33 porsyento sa may 1,800 respondents sa buong bansa.

ACIRC

ANG

BINAY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DISYEMBRE

GRACE POE

MAR ROXAS

METRO MANILA

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NBSP

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with