^

Police Metro

5 minaltratong Pinay sa uae naiuwi ni Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala halos paglagyan ng katuwaan ang limang minaltratong Pinay wor­kers sa Dubai nang sila ay tulungan ni Vice President Jejomar Binay na makasamang umuwi sa Pilipinas matapos unang kupkupin ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, United Arab Emirates.

“Hindi man sila nakauwi noong Disyembre, ito ang pinakamagandang pamasko para sa kanila at sa kanilang mga pamil­ya,” wika ni Binay.

Nakipagkita si Binay, dating Presidential adviser on OFW concerns, kina Rosminda Baui, 27, tubong Cabagan, Isabela; Belsie Espine,  36, ng Magalona, Negros Occidental; Leowilyn Tan, 31, ng Wao Lanao del Sur;  Angelyn Tak, 26, ng Kiamba, Saranggani at Lucrecia Insesto, 42, ng Zamboanga Sibugay sa POLO center sa Dubai noong Huwebes at personal na ibinalita na isasama na sila pag-uwi nito sa Pilipinas matapos ang kanyang 3-araw na pagbisita sa UAE.

Ang lima na ang ka­ramihan ay tumakas sa kanilang mga amo ay dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso.

Sinabi ni Binay na inako ng kanyang mga nagmagandang loob na kaibigan at supporter ang plane tickets ng limang OFWs.

“Bago kami umalis papunta dito sa Dubai, nalaman namin na may mga kababayan tayo na pwede nang umuwi at kulang na lang ang pamasahe kaya minabuti namin na tumulong sa kanila,” pahayag ni Binay.

Idinagdag pa ni Binay, dati ring chairman of the Presidential Task Force Against Illegal Recruitment (PTFAIR), na handa siyang tumulong sa im­bestigasyon sa mga kaso ng OFWs lalo na sa mga nabigyan ng ibat ibang trabaho na iba sa kanilang nilagdaang kontrata kasabay ng panawagan nito na magkaroon ng mas malinaw na panuntunan sa repatriation sa mga undocumented OFWs.

ACIRC

ANG

ANGELYN TAK

BELSIE ESPINE

BINAY

DUBAI

LEOWILYN TAN

LUCRECIA INSESTO

MGA

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with