MANILA, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanginang makasuhan ang isang guro ng private school matapos nitong itali sa upuan ang isang estudyante dahil ayaw nitong magpraktis ng sayaw kamakalawa sa Taguig City.
Ayon sa Department of Education (DepEd) Taguig-Pateros District, ang suspek ay isang teacher ng Spring Bridge School sa M. L. Quezon Street, Barangay Wawa sa nabanggit na lungsod.
Samantala, itinago naman sa pangalang Roger ang 4-anyos na biktimang lalaki ng nasabing lugar.
Sa reklamo ng ina ng biktima, naganap ang insidente noong Martes ng umaga (Enero 12) sa loob ng klasrum ng nasabing shool.
Nabatid na itinali ang biktima sa upuan dahil tinatamad itong magpraktis ng sayaw.
Nagsumbong ang bata sa ina at tinext naman kaagad nito ang teacher ng kanyang anak na humihingi naman ng paumanhin sa naganap na insidente.
Subalit, ayon sa ina ng biktima, kailangang ireklamo niya ang teacher dahil ang bata ay ayaw nang pumasok ng paaralan na sinasabing na-trauma sa sinapit nito sa kamay ng kanyang guro.