P18-B utang ipamamana ni P-Noy sa next admin

MANILA, Philippines – Ilang buwan na lamang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit magpapamana pa ito ng US$ 400-M (P18-B) na utang mula sa Asian Development Bank (ADFB) para suportahan ang kontrobersyal na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos ihayag kahapon ni ADB President Takehiko Nakao na inihahanda na nila ang US$400-milyon soft loan o utang na may mababang interes lamang.

Sinabi ni Nakao na ang pautang ay financial support ng ADB para maipagpatuloy ang CCTP sa susunod na administrasyon.

Kaugnay nito, iniha­yag ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang panibagong utang sa ADB ay babayaran ng pamahalaan sa loob ng 25-taon.

Nauna ng umutang ang administrasyong Aquino ng US$400-milyon sa ADB habang US$450-milyon naman ang ipinautang ng World Bank.

Iginiit ni Soliman na ang nasabing mga utang ay nagastos sa mahigit 900-K pamilyang benepisyaryo ng nasabing programa.

Show comments