SC pinagtibay ang 2 TRO ni Poe

MANILA, Philippines – Tuloy ang dalawang temporary restraining order sa disqualifiaction case ni Sen. Grace Poe nang ito ay pagtibayin ng Supreme Court sa botong 12-3 na inilabas ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong December 28, 2015 para kay Poe.

Nangangahulugan itong hindi pa maaring tanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ni Poe sa listahan ng mga official candidates.

Pinagbigyan rin ng Korte Suprema ang hirit ng kampo ni Poe na pag-isahin na lamang ang dalawang disqualification cases laban sa kaniyang pagkandidato bilang pangulo sa 2016 elections.

Ipinagpaliban naman ng kataas-taasang hukuman ang oral argument na itinakda sa January 19 at iaanunsyo na lamang kung kailan ang bagong iskedyul.

Ang oral argument ay kaugnay sa petisyon ng natalong senatorial candidate na si Rizalito David na kumukuwestyon sa ruling ng Senate Electoral Tribunal (SET) na isang natural-born Filipino citizen si Poe.

Show comments