3 supporter ng pulitiko, inambus

MANILA, Philippines - Malubhang nasu­gatan ang tatlong katao na umano ay supporters ng pulitiko matapos na sila ay pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa bayan ng Kauswagan, Lanao del Norte.

Sa report na nakara­ting kay Lanao del Norte Provincial Police Director S/Supt. Madid Paitao na bago ipatupad ang nationwide election gun ban ay pinaulanan umano ng mga bala mula sa grupo ng isang nadis-disqualified na mayor sa  harap ng munisipyo ng Kauswagan.

Hindi muna pina­ngalanan ni Paitao ang mga sugatang biktima para sa kanilang seguridad.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang kalalakihan at isang babae na agad dinala sa district hospital ng lalawigan.

Show comments