Babaeng Ruso natagpuang patay
MANILA, Philippines – Patay na at bumubula ang bibig nang matagpuan ang bangkay ng 49-anyos na si Alisa Belousiva, Russian national sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Belousiva sa tinutuluyan nitong boarding house sa Zone 4, Brgy. Nancayasan,Urdaneta City.
Batay sa pahayag ni Ester Roxas, 50-anyos, may-ari ng boarding house nagulantang lamang siya nang madiskubreng patay na ang boarder na si Belousiva.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Enero 7 ng hapon at napilitan si Roxas na pumasok sa silid ni Belousiva gamit ang master key dahilan ilang araw na itong hindi lumalabas ng kuwarto at bukod dito ay hindi rin ito sumasagot kahit kinakatok.
Wala namang nakitang foul play ang mga otoridad sa kaso at walang nawawala sa gamit at bukod dito ay wala ring palantandaan na sinaktan ito o puwersahang pinasok.
- Latest