^

Police Metro

800 police escort tatanggalin sa mga pulitiko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa 800 police security escorts na nakatalaga sa mga pulitiko at pribadong indibidwal kaugnay ng gaganaping May 2016 national elections sa bansa ang tatanggalin.

Ayon kay PNP-PSPG Director P/Chief Supt. Alfred Corpuz, ang ire-recall na mga police security escorts ay mula sa mahigit 1,000 nilang mga tauhan na nakadeploy sa mga pulitiko kabilang sa mga kakandidato sa halalan at mga pribadong indibidwal tulad mga kilalang negosyante.

Bibigyan hanggang Enero 11 o sa Lunes ng susunod na linggo para mag-report na sa kanilang tanggapan sa Camp Crame ang nasabing mga security personnel para sa kaukulang accounting .

Inihayag ni Corpuz na tanging ang mga pribadong indibidwal na nabigyan ng police security escorts at ang mga  pulitikong tatakbong muli sa anumang posisyon sa gobyerno sa eleksyon ang kanilang tatanggalan ng escorts alinsunod sa isinasaad ng Comelec Resolution.

Batay sa isinasaad sa umiiral na resolusyon ng Co­melec  tanging ang Presidente, Bise Presidente, House Speaker, Chief Justice, Defense Secretary, DILG  Secretary, Comelec Chairman at hepe  ng AFP at PNP lamang ang hindi maaaring alisan ng security escorts.
 

ALFRED CORPUZ

ANG

BISE PRESIDENTE

CAMP CRAME

CHIEF JUSTICE

CHIEF SUPT

COMELEC CHAIRMAN

COMELEC RESOLUTION

DEFENSE SECRETARY

DIRECTOR P

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with