Engineering student nagpakamatay sa campus

MANILA, Philippines – Sa loob mismo ng campus tinapos ng isang 17-an­yos student ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa itaas ng grandstand ng De La Salle University (DLSU) sa DBB, West A­venue, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Mark, 2nd year college student sa kursong computer engineering sa nasabing unibersidad at residente ng Brgy. Alapan, Imus, Cavite.

Batay sa ulat mula kay P/Senior Inspector Valero Bueno, chief investigating section, dakong alas-7:10 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag na may natagpuan na duguang estudyante na nakahandusay sa likod ng stadium ng grandstand ng eskwelahan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na hindi umano nakauwi ang biktima sa bahay matapos ang school subject nito na ayon sa ilang kaklase ay  hindi na umano pumasok sa huling subject ang biktima.

Sa salaysay ng isang kaklase bago natagpuang patay ang biktima ay nagsabi ito na siya ay broken hearted  nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng nobya na posibleng dinamdam nito.

Nabatid na may taas na 42 feet ang tinalon ng biktima at tumama ito sa sementadong flooring sa likod ng grandstand.

Pumirma ng waiver ang pamilya ng biktima na hindi na nila isasailalim sa otopsiya ang katawan nito.

Show comments