Tserman pinatay ng nakamotor

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ng riding in tandem suspects ang isang barangay chairman kahapon ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Ginatilan, Pikit, North Cotabato.

Ang nasawi ay kinila­lang si Brgy. Silik Chairman Pecson Alang Ma­ngansakan, 60, may-asawa.

Batay sa ulat, pasado alas-8:00 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang government issued multicab na kulay dilaw kasama ang misis nitong si Marelo at binabaybay ang provincial road papuntang Brgy. Poblacion ng sundan ng nakamotorsiklong suspek at pinagbabaril.

Personal na alitan naman ang nakikitang motibo ng pulisya sa nasabing pamamaril.

 

Show comments