6 holdaper arestado

MANILA, Philippines – Kalaboso ang anim na kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper matapos itong masakote ng pulisya sa pot session sa nakaparadang traysikel sa likuran ng Quinta Market sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO1 Alexander Bioso, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Erickson Villar, 27, ng Varona St., Tondo; Dennis Gonzales, 22, ng Basan St., Quiapo; Jerick Narciso, 21, Globo DeOro St.; Jonathan Abustan, 23; Paul Aris Noriega, 30, ng Oroquieta St., Sta. Cruz; at si Aries  Villa, 20, ng Norzagaray, Quiapo, Maynila.

Nasamsam sa mga suspek ang isang cal. 38 revolver, cal .45 pistol, 2 pengun , drug paraphernalia, isang plastic sachet ng shabu at isang cellphone.

Sa pahayag ni PChief Insp. John Guiagui, nagsagawa ng preventive criminality campaign ang pulisya nang matiyempuhan ang mga suspek na nagpa-pot session sa nakahimpil na traysikel at ilan ay nasa kubol.

Show comments