Biyahe ng MRT 3 regular ngayong Pasko

MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng schedule ng biyahe ngayong holiday ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Batay sa kautusan ng Department of Transportation and Communications (DOTC), mananatiling regular ang operating hours ng MRT-3 ngayong Pasko at Bagong Taon upang higit na mapagsilbihan ang riding public.

Mula kahapon, Disyembre 24, bisperas ng Pasko, hanggang Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon, ang MRT-3 ay mag-ooperate ng mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City at vice versa.

Una nang nagpalabas ng train schedule ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 na hanggang alas-7:30 lamang ng gabi ang kanilang biyahe kahapon at sa December 31.

Show comments