^

Police Metro

NPA lumabag sa ceasefire

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Agad na lumabag ang New People’s Army (NPA) sa unang araw pa lamang ng idineklarang 12 araw na unilateral ceasefire matapos na paulanan ng bala ang tropa ng militar  sa Brgy. Bitaugan, San Miguel, Surigao del Sur kahapon ng  umaga.

Kinondena ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang insidente nang pag­labag ng CPP-NPA sa sarili nitong bersyon ng ceasefire na nag-umpisa nitong Disyembre 23 ng madaling araw na tatagal hanggang Enero 3, 2016.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang paulanan ng bala ng NPA rebels ang tropa ng Army’s 2nd Special Forces Battalion na nakabase sa Brgy. Bitaugan, San Miguel ng lalawigang ito.

Nabatid na nasa natu­rang lugar ang mga sundalo upang tulungan ang mga Local Government Units (LGUs) na maipaabot ang tulong pangkaunlaran sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng opisyal na tata­lima at irerespeto nila ang 12 araw na tigil putukan na idineklara ng pamahalaan.

ACIRC

ANG

BATAY

BITAUGAN

BRGY

DISYEMBRE

INFANTRY DIVISION

LOCAL GOVERNMENT UNITS

NEW PEOPLE

SAN MIGUEL

SPECIAL FORCES BATTALION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with