^

Police Metro

ILAW ng Maynila tutulungan ang ‘Brenda’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang tulungan ng Initiatives for Life and Actions of Women (ILAW)  ang mga kababaihan at batang dumaranas ng  matinding depresyon sa buhay sa paglulunsad  ng  proyekto ni Jerika Ejercito Estrada,anak ni Manila Mayor Joseph Estrada na tutulong sa  mga biktima ng iba’t ibang pang-aabuso na tinaguriang “Brenda.”

Matapang na inamin ni Jerika na siya mismo ay dumanas noon ng depresyon kasunod ng pagkakatanggal sa puwesto at pagkakakulong ng kanyang ama bilang Pangulo ng bansa.

Ang sariling karanasang ito at ang kanyang pagi­ging ina ang nagtulak sa kanya upang itatag ang ILAW at ngayong siya ay ina  na rin, mas nauunawaan niya ang mga hirap at pagtitiis na pinagdaraanan ng isang babae, lalo na ang mga mahihirap na maaaring walang kakayahan at pangtustos upang maka-access ng kaukulang ayuda upang masolusyunan ang depresyon.

Lubos niyang ikinalulungkot ang panghahamak at paggawang katatawanan sa mga taong may depression at mental problems na kadalasang tinatawag na “Abnoy” o “Brenda.”

Malapit kay Jerika ang isyu ng mental health ay katunayan ay nagtayo siya ng sariling foundation ang “Be Healed” – apat na taon na ang nakakaraan, na tinatawag na ngayong “I am the Issue” na tumutulong hanggang ngayon sa mga kababaihan na dumaranas ng matinding depresyon.

 

vuukle comment

ABNOY

ACIRC

ANG

BE HEALED

BRENDA

JERIKA

JERIKA EJERCITO ESTRADA

LIFE AND ACTIONS OF WOMEN

LUBOS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with