Mag-asawa, 1 pa timbog sa drug bust

MANILA, Philippines – Tatlo umanong drug pusher kabilang ang isang mag-asawa ang dinakip ng mga otoridad sa isinagawang drug bust ng District Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng Southern Police District (SPD) kamakalawa  sa Taguig City.

Ang mga naaresto ay ang mag-asawang sina Salvador Mendoza, 31;  Ronald Limpot, 34 at ang misis nitong  si Edna, 30, ng Bonifacio Global  City (BGC) ng lungsod at nakuha sa mga ito ang 100 gramo ng shabu, kalibre .45 baril at mga bala.

Bago nangyari ang drug bust operation dakong alas-3:40 ng hapon sa tapat ng Market Market Mall, BGC, Taguig City ay nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis at bibili ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 sa mga suspek.

Nang iaabot na ni Mendoza sa pulis na nagpanggap na buyer ang naturang droga ay dito ito inaresto.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act) at illegal possession of fire arms and ammunition.

Show comments