2,000 pasahero stranded sa CDO

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 2,000 pasahero ang na-stranded sa Cagayan De Oro City dahilan sa malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) sa rehiyon ng Mindanao.

Ito’y matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard sa Northern Mindanao ang paglalayag ng mga sasak­yang pandagat na bumibiyahe patungong Cebu, Bohol at maging sa Metro Manila upang maiwasan ang peligro at kapahamakan sa karagatan.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 10, ilang mga sasakyang pandagat rin ang nakahimpil sa pantalan ng lungsod bunga ng masamang lagay ng panahon. Dumaranas naman ng mga pagbaha ang ilang bayan sa CARAGA Region bunga ng LPA, ang dating bagyong Onyok na nalusaw pero nagdudulot pa rin ng malalakas na pag-ulan.

Sa Agusan del Sur kabilang sa mga bayang apektado ng mga pagbaha ay ang San Francisco, Prosperidad, Esperanza at maging ang Sibagat Islands.

Show comments