MANILA, Philippines – Humina na ang bagyong Onyok habang binabagtas ang bahagi ng Davao Oriental na namataan sa layong 210 kilometro.
Ayon kay Adzar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Services Administration (PAGASA) bahagyang humina mula sa 65 kph ay naging 45 kph na lamang ito.
Bahagyang bumilis ang bagyo sa Kanluran habang papalapit sa Eastern Mindanao sa bilis na 18 kph.
Inaasahan din anyang mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Surigao Del Sur at magiging ganap na isang low pressure area o LPA.
Nakataas na ang signal no.1 sa buong Mindanao kung saan makakaranas ang mga lugar ng pag-ulan at pagbugso ng hangin.